View attachment 823
Post all ways para maka move on sa recent break ups. Ano mga dapat gawin and ilang months or years kayo bago pumasok sa new relationship?
Paano mag move on? Hmm.. Syempre sa una mahirap, kasi nandyan lahat ng sakit, tanong sa isip mo na hindi mo masagot, o nandyan na yung sagot pero hindi mo matanggap.. mahirap, masakit. Pero paano nga ba magmove on? Paano ba kalimutan yung taong minahal mo ng sobra tas iniwan ka sa ere, yung tipong alam mo sa sarili mo na wala ka naman pagkukulang pero iniwan ka pa rin.. Okay Let’s start with Acceptance and Forgiving.. Kapag natuto ka ng tanggapin ang lahat dun na rin papasok yung pagpapatawad.
Tanggapin mo, na kaya ka iniwan kasi hndi pa sapat o sapat man pero hindi ikaw yung nakita nya na magpupuno nun. Tanggapin mo rin na may mali ka, hndi mo pwedeng ipilit na nasa iyo lahat pero tumingin pa rin sya iba. Pero bakit?? ibig sabhin hndi ka sapat. Dalawa lang naman yan e,Una, Nagkulang ka pero hndi mo alam kase nakafocus ka sa pagmamahal mo sa kanya na akala mo pag mahal mo sya hindi na sya ttingin sa iba, (ibig sabhin alamin mo kung ano ba yung pagkukulang mo o mali mo sa past relationship mo para alam mo na sa gagawin mo sa next relationship mo) Pangalawa, Hindi lang tlaga sya nakuntento, or nagpadala sya sa tukso. (wala nmn ng paliwanag to, malandi lng tlga sya)
So mga tips pra makalimutan mo sya,
- Libangin mo sarili mo, gumawa ka ng mga bagay na hindi mo nagagawa nung kayo pa. Para khit papaano mapalaya mo sarili mo ahaha di yung nagkukulong ka sa mga nakaraan mo
dun kapa kase nagfofocus sa “e ito paborito naming gawin to” “paborito kase nming lugar to” “pagkain na to” hahahaha iwasan mo ung mga bagay na gingawa nyo nung kayo pa pra mabilis ung proseso ng paglimot mo.
- Travel , Sumama ka sa mga kaibigan mo. Hanggat maaari wag mo hayaan sarili mo na mapag isa, para di ka malungkot at di mo sya maalala. Magpakasaya ka (effective to)
- Cooking.Haha basta sabi ko nga gawin mo yung bagay na di mo nagagawa nung kayo pa, maglinis ka ng bahay pwede rin hahaahah..
- Make time with your family, baka kase nakalimutan mo na sila nung kayo pa hehe.. pwede mo rin ishare sa kanila hehe pra mapayuhan ka nila pra sa next relationship mo.
And Last, Wag mo hahayaang magsara yung puso mo, hindi porket nasaktan ka sa past relationship mo eh hindi ka na ulit magmamahal. Lahat naman tayo dumadaan sa sakit, wag ka mapapagod magbigay ng 2nd chance, 3rd chances o kahit ilan pa yan.. Sa huli, makikilala at matatagpuan mo rin yung taong para sayo. Magmamahal ka ulit ng BUO.