This is my first Major Hiking, so dahil taga Nueva Ecija lang ako, malapit lang sa amin kaya “we” decided na akyatin to, bakit may quote and “we” kasi madami kasi kami dapat aakyat sa bundok na ito, ok na lahat naka set na tapos nung gabi na before mag hike lahat ng kasama ko ng backout, and ako lang mag isa naiwan, dahil gustong gusto and naka set na sa mind ko , tinuloy ko.
So nihanda ko mga kailangan ko, 2L na tubig ko, saka some sweets foods and T-shirt, basta magdala kayo ng mga need, Dayhike lang naman eh, pero pag Nighthike syempre it’s different na, basta wag nyong dadalin buong bahay nyo ah.
Mountain Stats:
Elevation: 1,026+ MASL
Location: Magalang, Pampanga
Difficulty: 5/9, Major Climb
Trek to Summit: 3hrs 30min (Jump-off to North Peak) + 1hr 45min (North Peak to South Peak)
Maaga akong umalis sa amin, mga 0300H siguro, so from our house nag lakad ako ng 5mins papuntang sakayan ng tricycle dahil ako lang mag isa, nag bayad ako ng 60 pesos para makapunta ng palengke, tapos sumakay ako ng jeep para makarating sa San Isidro Nueva Ecija (10 pesos) , from that place sumakay ako ng Bus at bumaba ako sa Arayat Pampanga Terminal then ride via jeep para makarating ng Magalang, Pampanga i paid 22 pesos for that.
Naka-kita ako ng Jollibee sa Magalang at kumain muna ako, kasi di pa ako kumakain, after that sumakay ako ulit ng tricycle para maka punta sa Brgy. Ayala, Magalang i arrived there at around 0630H ito yung Jump off.
Tapos you need to walk to get above kung saan handon yung mga guide at dun nadin magbabayad ng fee etc, i paid 20 pesos for environmental fee then 1500 for the guide i really don’t know if it’s “makatarungan” or what? siguro dahil ako lang mag isa, pero i saw in one article that you just need to pay 400-500 pesos for the guide and no accept more than that.
We start to walk with my guide, habang naglalakad makikita mo yung station of the cross, lot’s of tourist just finished the station of the cross and not go through.
Dahil this is my first Mayor Hiking mukhang mabilis akong mapagod hehe wala pang 20mins na paglalakad pero pagod na haha “not cool” nagpahinga muna ako sa manga na ito, tapos inom ng kunting tubig at kain ng mga sweets and some banana., after lakad ulit.
Habang naglalakad syempre di natin maiiwasang mag picture ng mag picture, pag may nakitang mukhang magandang view picture kaagad, pero syempre wag madalas mag picture lalo na kong madami kayo, kasi may tendency na maiwanan ka, saka wag din madiwara pag nag hihike ah.
So after 3 hours nakarating din kami sa first view deck, sa ibang trail kami dumaan sabi kasi ng guide ko mas mahirap daw sa isa, ewan ko lang pero parang mas mahirap din naman sa trail na dinaanan namin, sa view deck na ito di pa ganun kaganda yung view kasi mababa pa eh, pero you already feel the success :).
Eka nga nila bawal sumuko after ng first view deck akyat ulit para sa summit, ito yung pinka top ng arayat, dito mo na makikita yung buong part ng Central Luzon, Pampanga river and Zambales. After 2 hours nakarating na din kami sa summit, medyo malamig na pakiramdam dito, masarap simoy ng hangin, syempre , it’s picture taking time.
After mag picture ng madami at mag pahinga, baba na kami using lubid hawak lang kayo ng mabuti kasi may nalaglag daw dun kung pupunta kayo, ingat kayo mabuti., after safe landing nag punta na kami sa 3rd view deck i think this is the best view sa lahat, kitang kita yung pampanga river dito, buti nalang ok yung panahon kasi kung umulan nun di ako makakapunta sa 3rd view deck kasi delikado, pag nadulas ka patay ka na bye bye!
so after mag papicture bumaba na kami kaagad, kasi medyo naiinip na din ako saka gutom na gutom na din ako that time, yung pababa sobrang bilis nalang, pero nag iingat pa din ako kasi masakit na paa ko nun at nasira na din sapatos ko, habang nag lalakad pababa may nakita akong kakaiba, syempre matalas na mata ko pag nakaka kita ako ng ganito.
after 1 hour nagpahinga ulit kami tapos inom ng kunting tubig, paubos na din yung tubig ko nun, at gutom na din ako, dahil day hike naman kako di na ako nagdala ng pagkain hehe.
so after another 1 hr nakalabas na kami sa gubat, tapos lakad nalang kunti pa exit, tapos nung nakita ko na yung mga tricycle ayon, nakagraduate din! nagpalit lang ako ng damit at ng bayad ulit ng 20 pesos na di ko na maalala kung para saan. Tapos sumakay na ako ng tricycle papuntang highway para hintayin yung kapatid ko nasa pampanga that time para di na ako mag commute pauwi sa Nueva Ecija.
Sample Itinerary
3:30AM – ETD Nueva Ecija to Mt. Arayat jump-off
5:40AM – ETA jump-off. Register. Final preparations.
6:20AM – Start trek
8:05AM – ETA White Rock. Rest. Take photos.
9:00AM – Resume trek
9:50AM – ETA North Peak (Summit 1). Eat early lunch.
10:30AM – Resume trek
11:15AM – ETA Haring Bato
12:15PM – ETA South Peak (Summit 2). Take photos.
1:30PM – Resume trek
3:20PM – ETA exit point. Fix up.
5:00PM – ETD Pampanga
6:55PM – ETA Nueva Ecija